Thursday, January 5, 2012

kumain ako sa burgoo...

Yes, first time... ewan ko kung bakit... basta never before... mahilig naman ako before kumain sa labas... well, kasi ako mas gusto ko filipino yung food eh... tipong pang Dencios lang ako... di ako mahilig sa mga ganyang sosyaling restaurant na ubod ng mahal... yung kinain ko spaghetti 200 plus na... grabe... okay naman... nabusog naman ako... nasarapan ako... last meal ko 7 am nung breakfast ako, nakarating ako Cubao from RITM, pass 2 na... 

Dapat nga nung Tuesday pa ko pumunta ng RITM... pero sumakit ng sobra yung paa ko... so yun... Wednesday, ganun din, kahit naman ngayon... masakit pa rin, mas masakit than usual, pero kasi uminom ako ng gabapentin... I was reading more about gabapentin... as of my reading at least 900mg a day siya to be effective, eh nung nireseta sa akin before 300 mg lang everyday... so feeling ko, kaya siguro di siya naging as effective before... although it did reduce the pain a little... eh yung mga nababasa ko, with at least 900mg of gabapentin a day, nawawala daw talaga yung sakit...

Ang taka me, although as per my research, Neuropathy affect 1/3 of PLHIV, di familiar ang mga tao sa ARG about it... so talagang nagiisip ako na kumuha ng infectious disease specialist na may extensive experience with treating neuropathic pain sana... ayoko sa neurologist kasi mahihirapan din siyang intindihin yung pagiging HIV positive ko...

I was at RITM mainly because of my TB... nagpositive ulit kasi sputum ko last 23rd of December... so yun, I am back on TB meds na uber sa toxic... and kailangan ko ng refill... but I was at ARG kasi andun mga files ko, yung result nung sputum test at xray ko last december, dun finorward... plus I also need refill of my prophylaxis, cotrimazol... libre kasi pag dun... now may nakasabay ako... luko, 2 weeks na siyang walang arv... naubusan siya at di siya nakapagrefill kasi busy daw siya... sa work... di ko napigil talaga sarile ko na sabihan siya ng, "dude, health comes first..." Di ba, two weeks... hay naku... pinagalitan tuloy siya... kahit ako naaburido sa kanya eh... gusto ko siyang batukan...

So when I was done with ARG, I went na to DOTS... andun pa si mataray na nurse, pero may kasama na siya... cutie... siya yata maghahandle ng TB patient na pos... and he is nice... bait... hehehehehehehehe... pero may concern ako, ako kasi nagdala ng photocopy nung mga results from ARG to DOTS, result ng xray and sputum test ko... sputum was negative, pero yung xray nga may enlargment daw... pero kasi si nurse na mataray pa rin nagassist sa akin, tumulong lang siya and observe, bago nga kasi siya... kaya ayun, I was not able to ask about it... at feeling ko di niya rin naiintindihan yun...

I was given a month supply of TB meds... be back Feb 6...

BTW, I gained 4 kg... nung December 23, I was 50 kg... I am now 54kg...


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...