Tuesday, September 6, 2011

Taga RITM ako...

Ang layo 'no... taga pasig ako, biglang sa Alabang ang treatment hub ko... ganito kasi yun, when I was confined at Medical City, na refer ako kay Dr. D as my infectious disease  specialist... She advised me to take the test outside, not at Medical City as if I turned out positive, my health card won't cover it, and therefore, I will not be able to afford staying there... Eh si Dr. D affiliated sa RITM... so dun niya ko dinerect...

Pwede naman ako sa San Lazaro o PGH, mas malapit... kaya lang inisip ko daming sakay ng jeep o FX... maiistress lang ako, mauusokan, maiinitan... eh ito yung time na ang lala ko, yung tipong baba lagnat ko after inom ng paracetamol, then a few hours tataas ulit, then lahat ng kinain ko, sinuka ko... so naisip ko, sa RITM, pagdating ko EDSA, sakay lang ako maayos na aircon bus... kahit malayo, itutulog ko...

Good choice naman ang RITM, di crowded... di kasi sila basta-basta tumatangap ng pasyente, di tulad sa PGH at San Lazaro... Sa San Lazaro daw minsan 3 tao magshashare ng kama, di room ha, kama... Sa RITM, kounti lang talaga pasyente, sabi nga ng nurse, minsan nga wala eh... and then before, yung atmosphere sa OPD Annex, parang family... before... may mga pagbabago kasi eh... dati kasi 1 month lang bigay ng ARV, now every 3 months na... so yun, dati monthly nagkikita, ngayon di na...

Over sa side bar, to your right is a list of treatment hubs all over the Phiilippines... Sa RITM ang home hub ko, di pwedeng basta na lang ako kumuha ng gamot kung saan... like what happened, kasi nasa Pangasinan ako now, akala ko makakakuha ako sa Baguio, pero yun di ako nakakuha, sinabi pa nila walang stock ng gamot... Pwede naman magtransfer ng treatment hub, pero kailangan ayosin niyo, kailangan yata may referral and yung confirmation na positive ka... di pwede yung basta ka na lang pupunta sa isang treatment hub at humingi ng gamot.

Si Bobby, na si DR. D din ang nagbigay ng contact number, eh taga PAFPI... di ko alam, lately ko lang nalaman na yan yung org niya... but yun nga, it's Bobby from PAFPI that I have been communicating with... di  naman ako dumaan sa counseling... Maybe I should be, but then... well, I was suffering of TB and I didn't want to deal with my being HIV+ at tangap ko na kasi, before pa ko nagpatest... tangap ko na... but if you needed assistance, pretest counseling, you can contact PAFPI or yung ibang support group na nakalista rin sa sidebar ko...







1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...