I do find him cute... he is hot... but then, with my condition—healthwise... plus, my status—financial wise... not to mention, tanda ko na yata for that... I don't think I want any complications, specially that type of complication... and that, napansin ko lang naman na cute siya kasi kay L.A., kabatch ko... crush na crush kasi niya 'to... at ang kay Pedro ay kay Pedro; ang kay Juan ay kay Juan... di ba...?
Besides, I was crushing on someone else... funny nga, kasi mistaken identity... tawag ko kasi dun sa crush ko cupcake... kabatch din namin... eh minsan a number of us went out for a drink, at least they did, I don't drink... nag update ako ng FB status ko: “Lasing na si cupcake”... and everyone assumed na si cupcake na palagi ko binabangit sa FB status ko eh kabatch namin, na kasama namin lumabas that night... which was true... but then for some reason, they also assumed that it was Eze... well, cute naman si Eze, medyo kulang nga lang sa baba... pero cute at mabait pa... inate sa kanya yung pagiging nice at palabati... and that okay, sure, madalas kaming seat mate sa training at nakakakulitan ko 'tong si Eze... pero kasi di siya yung crush ko... otherwise, I don't think makukulit ko siya tulad ng kulitan namin... Okay lang, at least, di pa buking kung sino talaga yung crush ko... although, di ko maintindihan kung bakit di nila pinagsuspetsahan yung talagang crush ko when kung tutuusin mas cute naman yun and he was with us that night...? And that because lahat eh convinced na si cupcake eh si Eze, pati yata siya, nacoconvince at medyo nailang na sa akin... pero, okay lang...
Anyway, so yun, napansin ko lang naman itong si Carlo, dahil kay L.A... funny kasi, whenever we see him, palaging sinasabi ni L.A., “ang lalakeng hinugot sa aking tadyang...”
Di kami actually naintroduce... nakakasalubong namin siya... nakakasalubong sa hallway... nakakasabay magyosi... pero walang introduction na tipong, “Carlo meet Alex; Alex meet Carlo...” Kahit naman yata sila nila L.A., walang ganun... alam lang namin iisang account kami and well, we see each other around... and that nung nagumpisang usap-usap sila ni L.A... di kami nakikisalo... moment ni L.A. yun, so di na kami nakikieksena... kahit pagnakakasabay magyosi... pagnakatyempo si L.A. ng usap para magpacute, dumetestansya kami...
One day, pakalat kalat itong si Carlo with other guys sa floor, nakatambay... and one of the guys was tyrone who nung nasa training room pa lang kami, pumunta sa amin to invite us sa club nila, which is parang glee club... pero di lang for singers, it's actually for everybody who have something to do with entertainment... dancers, stand comedians, and even people who have a knock for organizing events and shows... well, no one signed up for it though may mga interesado sana... mainly because di malinaw yung detalye... nadiscourage yung iba kasi may audition pa...
I was not interested... mainly because I can't dance and sing... but for some reason, siningle out ako nitong si Tyrone, lumapit siya sa akin sa station and was inviting me to join the club... I said no and refer him kanila LA, kasi they did show interest before, lalo pa ngayon na alam na namin na kasama sa club itong si Carlo...
Ewan ko kung ano nangyari sa usap nila... but yun... nakilala nila si Tyrone who hangs out with Carlo and some other guys who are not bad looking either and yun... I don't know if after that they started hanging out together... kasi di ko sila nakakasabay magbreak at mag lunch... may sinesend kasi na break sched... at syempre, since newbie, pakitang gilas muna... sunod muna sa break schedule...
Anyhow, one time, naabutan ko sila sa yosihan, sa may harap ng building... I was to quit smoking but then, with all the stress the call center industry have to offer, minsan, you really can't help but want to smoke... magkakasama sila LA, Philip at Trish... and that kausap nila sila Tyrone and Carlo and some other guy... so I joined them... tayo lang ako dun and nakiyosi... I don't remember, pero may pinaguusapan yata sila ni Tyrone at LA that time and that nakisindi ako kay Trish when Carlo said to me, “Yoyosi ka pala...?” to which tungo lang ako sabay smile... I actually always get that naman kasi... for some reason, yung mga bagong kilala, di nila ineexpect that I do smoke... and specially now, na madalang talaga akong magsmoke... kasi nga I am trying to quit... because of my condition...
And, I guess, I can't blame anyone, na since I smoke nga, they assume that I drink... specially na call center agent ako... Katulad nitong si Carlo, which after ko tumungo, biglang nagsabi na, “Inom tayo mamaya...”
I actually don't drink... I can, pero kasi matagal ko ng inamin sa sarile ko na di ko gusto ang lasa ng alcohol... and that, takaw gulo kasi ako pagnalalasing... tipong akala mo kalakihan ang katawan kung makapaghamon ng away... eh Maynila ito 'no... so I don't drink...
Di ko inassume na ako yung ininvite niya, bakit? Specially na narinig ni Trish who was standing next to me... and pati si Philip and the other guy who was with us... si LA at si Tyrone lang yata ang di nakarinig and si Philip yung pumick up nung invitation, interrupting the two, “inom daw tayo mamaya,” sabay turo kay Carlo... to which agreeable halos lahat, well except Trish, who we know eh di sasama at may asawa't 4 na anak siyang naghihintay sa bahay... and they started to agree na after shift... kasi bagong sweldo nga sila so game na game sila... basta ako, yosi lang ako...
Wala akong balak sumama... sumama kasi ako before, nung kami kami lang na magkakabatch, eh kinakantyawan nila ko na uminom din... na tipong madaya daw ako... so ayoko na talaga sumama sa kanila... kasi kahit the last time na sinabi ko sa kanila na sasama lang ako pero di ako iinom, sabi pa rin nila madaya daw ako... not that I ever given in... red horse kasi iniinom nila, kung hard drink sana, kahit gin bulag at sipol lang ang chaser, baka napagbigyan ko pa sila... pero beer, no... so yun... and I think they knew na di na talaga ako sasama, o ayaw talaga isama, kasi nga di ako iinom...
So yun, after shift, diretso ko uwi... baka kasi magbago isip nila, pilitin akong sumama...
I just walked in the door nung nagtext si Tom sa akin, another becky na kabatch namin... sabi niya sa text, tinatanong daw ni Tyrone kung bakit di ako sumama, that hiningi niya number ko, and that binigay daw niya...
Okay...
Tyrone...? Why...? Really...?
And another text came in paglabas ko ng banyo and was to go to sleep, sabi sa text si Carlo daw siya and asking me kung bakit di ako sumama...
Di ako reply...
Eh sabi ni Tom, si Tyrone ang nanghingi ng number ko and nagtatanong kung bakit di ako sumama, tapos biglang Carlo... so, di na ko nagreply and natulog na lang ako...
No comments:
Post a Comment