Tuesday, November 22, 2011

I did tell the doctor about it...

about the blood... I told her everything... lalo na yung kung gaano karami... more than a spoonful na siya... the last time I was at RITM, when I got a refill... but yun nga since other than that wala ako nararamdaman... no fever, no lost of appetite, no shortness of breath... nothing, so sabi niya baka may gasgas lang daw sa throat or something... kasi nga yun, otherwise, lalaganat na ako...

Ganun din sabi ni Dr. Ditangko when I texted her... I even asked kung may test ba ko na pwede itake to determine where the blood was coming from... sabi niya wala naman... 

Then the other day... wala si brother, umuwi ng province... naisipan kong maglinis ng room at magreaarange... after, nilagnat ako... 38.1 lang naman temperature ko... okay lang sa akin yan... you are talking to someone na kahit 39.5+ na temperature eh nakakatayo at nakakapaglakad pa ng walang kaprobleproblema... belib nga sa akin mga nurses ko before nung naconfine ako sa RITM... ang tindi ko daw... mataas lang talaga tolerance ko sa pain... kaht yung mga gamot na iniinject sa IV... yung ibang paseyente daw tumitili sa sakit... ako, okay lang...

Akala ko, nastress lang ako... o napagod lang ako ng sobra... nagbuhat-buhat kasi ako... pero the next day, kahapon... nilagnat ulit ako... about the same time... and ganun pa rin... so medyo worried ako... according kasi to what I read... mataas ang relapse rate ng TB with PLHIV... kahit na di mo pinabayaan ang paginom ng gamot...

Baka kasi, matagal na pala ako nagfefever, di ko lang iniinda...

Ewan...




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...