Thursday, May 5, 2011

die now

What is so interesting and perhaps disturbing, both doctors keep reiiterating to me that HIV now is very common, and that I have nothing to worry about. Well, Dr. Ditangco explained to me how HIV patients are spoiled with all the support that they are getting, I could have someone pick me up and bring me to RITM in Alabang with no extra charge. Medication would be all for free. Diabetics and Hypertensive doesn't have the same previlliage. Knowing if I am HIV+ or not can spell the difference of having a quality and healthy life, not to mention longer.


Nung college days ko, may tumingin sa palad ko--palm reading. I was told my life line would be short, I would die young. I don't think I have problem dying. May mga bagay na gusto ko pang gawin but, ako kasi yung klase ng tao na pilit kinukuntento ang sarile sa kung ano mayroon. Don't get me wrong, maluho ako, kung afford naman, bakit hindi. Pinagtrabahoan ko naman ang perang gagamitin ko. Di naman masyadong luho. Mahilig lang ako sa damit at bag. Tipong, kasama mo ko sa mall, nalingat ka lang, may shopping bag na ko. Di naman mamahalin bag, kung ano nga lang afford ko, mga local brands. Pinakamahal ko ng bag eh yung Nike na gym bag, 4 thousand. Yung mga iba, 500, isang libo, mga ganun lang. Kahit t-shirts, yung mga local brands lang, walang tig-isang libo. Ni wala nga akong Levis na pants eh. Kahit sa shoes, di ako mahilig sa shoes kasi mahirap akong hanapan ng size. Not because my feet are big, but they are freakishly small. Pinakamahal ko na shoes is yung chucks na pink. Yes, pink talaga, baby pink. Bakit, malandi ako eh, sigurado ako sa sexuality ko.

Anyway, na side track, sorry naman, pero yun nga. Wala naman akong long term plans. Nung pumasok ako sa call center, di ba may question na ganyan, binola-bola ko lang siya. Eh di naman yung sagot mo yung tinitignan, but like in a beauty contest, it how you answer your question. No long term plan, di ko alam saan ako after 5 years, just living every day. Ang dasal ko nga whenever I start my day, "Lord, help me get through this day trumphantly, blessed me and my family with peace, good health and hapiness. Lord, bahala Ka na sa akin." I don't ask for anything. Kahit anong endevour mayroon ako, kahit may problema sa opisina, game ako, bahala Siya sa akin. Tatangapin ko lang and move on. Di naman sa perpekto ako, nung nanakaw ang laptop at Iphone ko, sinungkit sa bintana ng kwarto ko, nagtampo ako, di talaga ako nagsimba ng ilang weeks. Eh paano,  di ko nilalabas ng bahay ang laptop ko, pumapasok ako ng walang phone kung alanganin uwi ko. Tapos, mananakaw. Sa loob ng bahay namin? Sa loob ng kwarto ko? Di ba, bad trip!!!

Nagsimba na lang ako nung napalitan ko na yung laptop at phone ko. December nun eh, katatangap ko lang ng 13th month pay ko, yung ginamit ko na magdown for laptop, 5 months to pay. Then, mumurahing cellphone, Nokia C3. Inisip ko na lang kailangan ko na rin kasi magupgrade. Yung nanakaw na laptop is win xp pa, limang taon na. And di ko siya papalitan, hanga't di siya nagsasalitan para murahin ako. May smart error na nga ako pag boot up eh. So okay na rin.

Yes, every week akong nagsisimba, every sunday. Or, at least, I try to. So as much as possible, kinukuha kong off eh wala akong pasok ng Sunday, or last day ko yung Sunday. At tinatapos ko siya, hanga't di binibigay ng Pari ang basbas na humayo, I will be one of the last people to leave. Except lately, with the RH Bill being incorporated on the sermon and dun sa huli na may prayer about it. Yun siguro, pinaparusahan ako ng Diyos. Sabi siguro ng Diyos, "Pawalk-out-walk out ka, wala ka naman conviction sa issue, di ka naman nagcocondom palagi! Ipokrita!"

Hehehehehehehehehehehehe

Wala akong maiiwan. Worried lang ako sa mom ko. Ito ngang naconfine ako at sinabi sa kanya, tawag siya ng tawag. Nasa emergency room ako at 39.5 yung lagnat ko, tawag siya ng tawag. Nasabihan ko nga siya na wag makulit, nagtampo! Well, the reason why I called her was I think she have the right to know, na nasa ospital nga ako at icoconfine ako. Alam ko na wala siyang magagawa at nasa abroad siya at nasa Pinas ako. Ininform ko lang siya, dapat di na. So yun, tinawagan niya yung Tito ko na wala rin magawa, tatanong siya bakit walang naghatid sa akin, kung bakit wala akong kasama, kung bakit di pa umaalis yung isang pinsan ko para puntahan ako. At nagsumbong siya, sinabihan ko siya na makulit siya, hurt si mother, eh nakukulitan din Tito ko sa kanya, so sinabihan din siya na makulit nga siya, natameme tuloy siya. Hehehehehehehehehe. Tinawagan ko naman siya when I got settled in the room telling her na she does not have to worry about me, pero syempre, nanay. Oras-oras pa rin tumatawag.

Siya, medyo worried ako how she would take the news na patay na ko, kung sakali. Pero when my lola died, her mom, she took it rather well. Pero old naman na kasi si Lola and we were expecting it na, she was expecting it na. Pero ako, I don't know, baka di niya kayanin. Magpapalibing siya ng anak. Medyo, masyado yatang masakit yun.

Other than my mom, wala naman na ko maiiwan eh. Wala ako karelasyon. Wala akong anak. Walang taon umaasa sa akin. Pagnamatay ako, wala lang. Ang dami ko basura. Sandali, dapat na ba ako gawa last will and testament? Parang mayaman?! Hahahahahahahahahahaha.

Gusto ko icremate ako. Or, kung ibuburol ako kasi mahal magpacremate, ayoko ng na kabarong tagalog o ano man pormal-promalan. Polo shirt siguro, yung pula na polo shirt ko na galing F&H! Syempre, di papayag nanay ko, feeling ko lang, pero naman, hoping. Sige was na jeans, may mga slacks ako na magaganda. ganun lang. Jacket siguro, tipong papasok lang ako. Hehehehehehehehehehe.

May bibili kaya kung ipa-ukay ko damit ko sa burol ko? Magaganda kaya mga t-shirt ko pati mga brief ko. Pantustus sa libing. Kasama mga bag ko, ang dami ko bag! Other than that, wala ako masyadong gamit, wala ako properties. I'm so poor. Gadgets: laptop, phone, shuffle, and an old digital camera, isama na natin eletric fan ko. Malamang, kukunin lahat ng kapatid ko yang mga yan. Yikes! Makikita niya lahat ng M2M porn ko!!! Hehehehehehehehehehehehe. Ah, leave ako instruction na kailangan magreformat muna bago gamitin laptop, kungdi mumultohin ko sila!

Other than that, wala naman na silang mahihita sa akin. Wala akong utang. Dapat kaya, mangutang na ako ng mangutang? Hehehehehehehehehehehe









No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...