Naobserve ko lang. Natritrigger ang pagtaas ng temperature ko kung nagugutom ako and if I am lying down. Actually, mabilis bumaba ang lagnat ko pagnakaupright position ako at pagkakain. The thing is, wala akong gana kumain. Nauutosan ko lang sarile ko na kumain. And every since kasi, wala akong in between meals. breakfast, lunch, dinner lang talaga ako, behirang behira akong magmerienda. And that there are certain periods of time na di ako nakakaramdam ng gutom, malalaman ko na lang na gutom na ko pagnagstart ang migraine ko. Guys, take note, call center agent ako, monthly nababago schedule ko, so yung body clock ko, pabago-bago din, hindi normal ang oras ko, like right now, breakfast is at 3 am, my lunch will be 7-8 am... dinner ko 12 noon. So minsan, di ako nakakaramdam ng gutom, bigla na lang sasakit ulo ko. And I also observed, all through out this ordeal, di sumasakit ang ulo ko.
So, I know the trick kung paano pataasin o pababain ang temperature ko. The only reason na kung bakit despite me knowing this is wala akong ganang kumain. Balik work dapat ako ng Tuesday morning. Eh ayaw ko pa pumasok. Sobra ang pressure sa opisina eh. Before this, I am just dragging myself to work, at di lang ako makapagresign at pilit na kinukumbinsi ang sarile ko na mahal ko ang trabaho ko kasi it pays well, it is what put food on my table. So, Monday morning, di talaga ako kumain at nung tumaas na lagnat ko, di ako uminom ng gamot, puro tubig lang hangang tumaas ang temperature ko ng 39.5. When it came to that point, yun naghilamos ako, at nagbehis and went to Medical City, dalawang jeep din. Bilib kayo, at that temperature, nakakapaglakad ako. Wala akong hilo, kahit nung nasa jeep ako, mainit lang pakiramdam ko at di ako pinagpapawisan, kahit ang init-init, alas 10 na kaya yun.
Emergency nanaman ako. By the way, ang out-patient ng Medical City sa ER tinatangap talaga. So, kahit nung first time ako punta dun, at okay ako, ER pa rin ako. Pero ito nga kasi, 39.7 ako pagdating ko dun, so wheel chair nanaman, hatid sa bed, IV, inject ng paracetamol. Order ng CBC at blood culture at urinalysis, then sabi nila confine na nila ko. Pumayag na ko. Text ko yung pinsan ko na may baby na 1 year old para pumunta saglit para ibili ako ng food. Kasi all through out, gutom na gutom na ko, uhaw na uhaw pa. Humihingi ako ng kahit tubig lang, walang nagbibigay sa akin, they are so damot.
Iniwan ng pinsan ko yung baby niya, pinabantay niya muna sa isa ko pang pinsan, mabait naman yung baby, naiiwan sa crib. Pinabili ko lang siya ng lunch namin. Kumain kami, then pinauwi ko na siya. Kasi di rin ako sanay na may kasama sa room. Sabi ko kasi, matutulog lang ako, nakakatayo naman ako at nakakapaglakad, medyo limited nga lang kasi naka-IV ako, pero I am okay.
The problem is, wala nga kasi ako gana kumain, and though naubos ko naman isang cup ng rice, gutom ako all through out at gutom pa rin ako after hatiran ako ng merienda ng hospital, ginataan mais, which was good, pero still gutom ako. Bumaba lagnat ko to 38 pero that was it. Gutom kasi ako all through out for some reason.
No comments:
Post a Comment