So, I agreed, wala naman ako choice at sa totoo lang, gusto ko na umuwi. Di kasi ako makakilos dun sa IV. naiirita ako. Wala pa ako laptop, pwedeng magdala, pinapadala ko nga eh. May wifi din, kaya lang yun nga. Kailangan ko ng umuwi. So prepare ng mga nurse a release ko, inalis yung IV ko, and I went down to settle the bill. It would be covered by my HMO, may minimal fee lang charge to patient. Kung wala akong HMO, the bill went up to twelve thousand pesos. Pero dahil may HMO nga ako, eleven pesos lang binayaran ko, natawa nga ako eh.
Pagakyat ko, sabi ni nurse, pinagiistay pa ko nung isa ko pang doctor, yung attending physician ko daw. Gusto daw muna niya ko makita in the morning. Nag-okay naman ako pero nagkatalo kami nung sabi ibabalik yung IV ko. Ayoko! Pinayagan naman, wala naman na daw injectables na gamot, puro oral na lang daw gamot ko. So yun.
Tapos cute yung pumalit na nurse. Hehehehehehehehehehehe. Pero di ko nilandi. Lalandiin ko eh suspected HIV+ ako. Tsaka di pa ko naliligo, naghilamos lang ako at punas. May shower naman yung room ko na provided by HMO. Maganda yung room. Malinis. Parang nagcheck in ka lang sa motel, mas maganda pa nga eh. Kaya lang kasi nilalagnat nga ako, tapos walang twalya. Probably I could have asked pero wala din ako toiletries na dala.
Anyway, nakatulog naman ako ng maluwalhati. Bumisita yung dalawa kong friend sa opisina, katatapos lang ng shift nila, inutosan ko silang ibili ako ng kape sa Starbucks at kung anong makakain. So okay ako, walang lagnat. Then may pumasok na doctor, I assumed, kasi naka white gown siya eh, pero wag ka, naka-dress ng violet na above the knee siya, parang magpupunta, o galing sa gimik si doc. alas 7 pa lang ng umaga, mukhang nakapagpaparlor na ang lola niyo pati hair eh nakatis na. She is about in her late fortys or early fiftys siguro, and she have the air of confidence and authority on her. Kasunod niya mga younger doctor, mga resident niya siguro. Sabi nga nung dalawang kaopisina ko, nakasabay nila sa elevator yung doctor na yun at siya lang yung ginood morning.
She have a piece of paper on her hand, and she asked, at first, yung 2 kaopisina ko to step out muna, then decided, pati yung mga residents niya. So, kami na lang dalawa.
She explained to me that she was the one who refered me to Dr. Ditanko and that she understand that we had an agreement about me going out of Medical City and seeing her. I can't say if she is angry about it or not but she was very stern. Not scary, just very stern. Unlike Dr. Ditangko who is very warm and motherly. She told me that my imunne system is compromised, very much what Dr. Ditangko explained to me. And that indeed, if she work me up and that I do come out as HIV +, they will not cover it. I assumed she is very well connected to my HMO, likely, she was a doctor from my HMO. She gave me the choice, if I stay she said she and her team will do everything but if I turn out to be HIV+, I will have to shoulder everything and it will be very expensive. My bill last night, not even 24 hours stay, was 12 thousand pesos. I won't afford anything. So, I was to leave.
She understand, she said she would follow Dr. Ditangko's findings. Dr. Ditangko just reported that I have Enteric Fever, Thypoid. They will stick to that story and they will cover it now. So, indeed I left.
No comments:
Post a Comment