Nung una kasi, akala ko, magkaka-ubo't sipon lang ako. Tipong, ang galing ko naman kung di ako uubohin o sisiponin, lalo na at dun sa schedule, ang out ko alas-dose ng tanghali. Mangagaling ako sa super ginaw na opisina na kahit nakajacket ka, dama mo ang lamig, lalabas ako sa super init na tanghali, maglalakad pa ako sa ilalim ng araw para makasakay at makauwi. So, ganun, pagdating ko ng bahay, na mainit din, yung kwarto ko pa, kulob, walang ventilation, feeling drain na drain ako dahil sa init, matutulog ako, then yun na. Lalagnatin na ko. Nung una mawawala rin siya, no medication, gigising ako mga 4pm, okay na ko, gutom nga lang... kakain ako, exercise ng kounti habang nood ng TV. Then tulog ulit hangang 1:00 am, pasok ko kasi 3 am, at sa lahat ng ayoko, yung nagmamadali... banyo pa lang, halos 1 hour na ko eh... I want to be in the office 30 minutes before my log in time. Yan ang routine ko, diretso bahay ako from the office ever since. Di ako lumalabas o gumigimik o tumatambay pa kung saan, pagtapos ng shift ko, impuntu, I'm out of there!!!
So, pagdating ng off ko, dyan, lalabas at lalabas ako. Gigimik. I will define what gimik is to me on later entries. For the mean time, ito muna.
I was okay, lalagnatin ako after shift and I though kasi I subject myself sa sobrang init and perhaps true, yun yung dahilan kung bakit ako nilalagnat. Malapit na ko maheat-stroke. Masyadong nastress yung katawan ko, take note, tanghali yun, di pa ko naglulunch so gutom din.
I won't say it was getting worst, pero nagbago ng time slot, which coincided with my work schedule. Bumababa naman siya after kung magtake ng medication, I take Alaxan FR. Bilis ng effect eh, in 30 minutes, pagpapawisan ako and I will be okay the rest of the day. Pero nagaabsent na ko, kasi feeling ko stress related kasi siya. But the fever went on. Nung 3rd week na, naisip ko iba na 'to. Dengue was the first thing that came to my head. So pacheck up ako, nagorder yung doctor ng CBC (Complete Blood Count), okay naman. My Platelets are up, at walang nakita si Doc, wala nga siya resita eh, inom lang daw ako ng paracetamol, she approved of Alaxan FR...
4th week, ganun pa rin ako. Lalagnatin ako, inom ako ng Alaxan FR, pagpapawisan, then okay nanaman ako. Take note, wala akong ubo o sipon. Normal sa akin ang may plema sa umaga. I smoke, lately lang lumabas yung smoker cough ko. I decided na magpacheck up ulit, this time sa Medical City na.
When I went there, okay ako. Walang lagnat. Sinabi ko lang problema ko na yun nga, 1 month na ko naglalagnat. Nagorder si Doc ng CBC, X-Ray and Urinalysis, and not wanting to give up, lastly, nagorder ng Malaria test. Well, negative ako for Malaria, may chest X-Ray and Urinalysis came out clean, din. Yung CBC ko, medyo may nakitang component sa blood ko na above normal which the doctor interprets as bacterial infection. So resita ng gamot, antibiotics: Unasyn, twice a day for 6 days. Mahal, super mahal!!! Then Flanax Forte, twice a day din, pero for 3 days lang. Bilin ni Doc, kung di bumuti kalagayan ko in 3 days to go back. But if I turn out okay, just continue taking the antibiotic.
Effective si Flanax Forte, I was okay for 3 days, pero pagstop ng 3 days, we are back. So, bumili ako ng additional Flanax Forte and just continue it with the antibiotic. So that is another week, balik Medical City ako, this time with a burning temperature of 39.5. Whineel chair pa ko pahatid sa higaan sa emergency room, inIV ako at pinadaan dun yung paracetamol na injectable. The last time I was hospitalized was batang bata pa ako, grade 1-2 yata. Convulsion. Di alam ng nanay ko na nilalagnat na pala ako, paguwi galing school, diretso ako sa kwarto, natulog, paggising ko nasa ospital na ako. Nakita na lang daw nila akong nakataas ang kamay at nanginginig. Di ko na masyadong maremember pero may truma ako sa IV. May iniinject silang gamot sa IV na super sakit na pilit kong tinatangal ang IV ko. So nung sinabi na yung nga kakabitan ako ng IV, ayoko. Pero mapilit si Doc, nagsumbong si nurse eh. Nagorder ng X-Ray at CBC. Suspect was tuberculosis, I am a smoker after all and yung una ngang CBC, it is bacterial. But it came out negative and ang lumabas lang daw sa CBC ko was I am anemic, mababa hemoglobin count ko. So, di daw mahanapan ng focus. Gusto ni doc iadmit ako for further testing and observation. I said no.
Ayoko magpaconfine. Una, magisa ako. Pangalawa, ayoko lang. Sabi ni Doc, kung ayaw ko daw paconfine, magconsult daw ako with an infectious disease specialist. Then, nirelease niya ko with 38.2 temperature with prescription of paracetamol and a med cert advising me to rest for 3 days.
I took the 3 days rest advise, dumiretso sa off ko, balik work sana ako ng tuesday morning. 5 days yun na nasa bahay lang ako. ganun pa rin, lalagnatin ako, inom ng gamot, okay na ulit ako, game on.
No comments:
Post a Comment