Wednesday, August 31, 2011

ang hot niya 'no...

Nakita ko lang yang picture na yan sa isa sa mga profile sa planetromeo... wala lang, nasexy-han lang ako... madaming tanong akong nakukuha sa planetromeo about HIV-Aids... ako naman si sagot ng sagot na akala mo expert na sa sakit... well, I try to answer them sa abot na pagkakaalam ko... post ko rin mga question and answer ko sa facebook, click niyo plus sign after every entry... madaming walang alam...


walang taxi dito... so tricycle... eh yung tricycle masyadong mababa... punta sana kami Dagupan, eh lahat ng daanan namin baha... ending namin, bumaba ng tricycle at magjeep na lang...

Wala naggrocery lang... 

Sabi ni mama, masyadong mahal yung iphone... 

di ko naman masyado type yung iphone4, masyadong matalas yung edges niya para sa akin... mas okay sa akin ang IPhone3... so, yun nga, di ako naghahanap ng brand new, kahit second hand lang...  okay na ko dun... yun medyo nakahinga si mother...





image 001

nakita ko lang sa planetromeo, ang hot...
+

Tuesday, August 30, 2011

Nakalimutan ni mama ang birthday niya...

Tumawag siya kagabi... greet ko siya... di niya yata masyado naintindihan... tanong niya sino may birthday... sabi, "ikaw... birthday mo bukas..."

"Ay birthday ko na ba...?" sagot niya... "hindi bukas na isa pa, 31..."




Wala naman kami typhoon signal... pero dahil kay Mina, hinila nito ang habagat... umulan ng umulan... resulta, baha... well, every year naman baha dito... tipong something is wrong kung lumipas ang isang taon na walang baha... ulan pa lang yan ah... wala pang tubig na pakawala ng dam...





+

ganda ni Anne

+

Monday, August 29, 2011

church


Palagi akong gutom...

di naman siya problema pero... oras-oras, kahit gabi... magigising talaga ako, may mga eksena pa nga na di ko alam gagawin ko kasi sa sobrang antok ko, ayoko bumangon... ilang beses kaya akong kumakain na nakapikit ang mata... eh ako pa naman yung klase ng tao na di marunong magmerienda... ang alam ko breakfast, lunch and dinner... and lahat yan kanin... so medyo...

I don't know if it is because I am recovering o effect ng pagstop ko magyosi...

Sabagay, kailangan ko kasi irecover weight ko... I am 100lbs, normal weight ko dapat 120-130 lbs... so I am 20 lbs under weight at ang pagkain ko oras-oras will help that... at yun... kasi palagi nila ako sinasabihan na magpahinga pa, pagaling pa ako mabuti... so plano ko, kung nag 120 lbs ako, at least, dun ako magsisimula ulit... from working out to finding work... ang payat ko rin naman talaga kasi now...



Sunday, August 28, 2011

crush ko yan si Wanggo eh...

Before pa, bago pa siya magout na positive siya... we don't know each other personally... minsan lang kami nagkakilala, naintroduced, nagkapalitan ng kuro-kuro... after that wala na... matalino yan si Wanggo eh... nahiya naman ako sa kanya na tipong exchange numbers pa... ewan ko kung alaala pa niya ko... pero yun nga... crush ko nga siya... hangang lumabas siya na positive siya... hmmmm... during that time, ako rin yata, naisip ko... sabi ko nga kahit si Thor, na anak ng diyos na si Odin, kung may sex life na katulad ko, malamang... magpositive din...

So at the back of my mind I knew... that, at least, yung halos weekly kong pagpunta sa Fahrenheit, I am putting myself in grave risk of getting the virus... or that I already have the virus and I am spreading it around... so kung nagawi kayo sa Fahrenheit and did unprotected sex, I advise you to get tested, immediately... di lang Fahrenheit, nakarating ako ng The Mansion, Epitome, Club Bath, and yung Sanctum... so if ever you have unprotected sex, magpatest kayo... mas mabuti yung alam niyo and do something about it, kaysa, tulad ko... I keep putting it off--wala nga balak eh--then nagkasakit ako ng sobrang lala kasi wala na pala ako immune system to help my body try to fight off infection... mahirap kasi yung ginagamot yung sakit mo tapos binibuild then immune system mo... daming gamot... umabot kaya ng more than 10 tablets and capsule ang ininom ko after breakfast...

Dapat kasi nagbibigay sila ng condom, pagkabayad ng entrance fee, may kasamang condom yung susi ng locker... 10 piso condom sa Fahrenheit... isang piraso... pero what is 10 pesos? kung sabagay, nasa tao kasi yun... ilang beses kaya akong may dalang condom pero di ginamit kasi... ewan ko... tipong hassle... hehehehehehehehehehehe...






wanggo









+

If you seen the trailer... basically that's it... the rest of the film, grabe... boring... sobra... sumaya lang siya at naging super funny nung yun nga, yung sa trailer, kausap na nila si Eugene Domingo...

Ang tanong, bahay ba talaga niya yun...?
WOW ah...

Pero aliw talaga yung scene na kaharap na nila si Eugene Domingo... pero the rest of the film... hay... nakakaantok...



Bumili kasi yung kapatid ko ng pirated copy ng Babae sa Septic Tank... kasi alam niya gusto ko mapanood... pero ito nga, may sakit ako at di yata pinalabas sa Dagupan...





+

side story...

My mom keeps calling... I was not answering the phone because usually my phone is on my bag... so she called my brother... my brother was afraid to say that I am in Manila alone... so they kept saying I was just asleep and didn't want to be disturbed...

When I got home... my mom called again, and I told her, proud as I am, that I was able to travel alone to Manila already and bring home a huge trolly... and even though I was up beat... he still called my brother to check if how was I...




+

Successful yung byahe ko...

Nakakuha ako ng gamot for 3 months, nakuha ko mga damit ko, at naabotan ako ng pera, plus yung information tungkol dun sa PhilHealth ko nga...

Kung susumahin ko, yung trip cost me one thousand six hundred pesos... I had one thousand on hand dahil dun sa pinagsanglaan ng cellphone ko... three thousand five hundred galing sa pinagsanglaan ng laptop—four thousand dapat, kinuha ni brother ang five hundred, masyado pa rin mababa, to think trenta'y sinko mil yung laptop... tapos yung ngang inabot sa akin na dalawang libo... so six thousand five hundred, pera ko, minus one thousand six hundred... may four thousand nine hundred ako...

First thing in the morning, pinakuha ko ang laptop...









+

Umuwi ako ng Pasig...

Kumuha ng gamit... wala kasi kami nadalang damit nung umalis kami... pagdating ko dun, si Tito lang ang tao... kinamusta niya ko... parang walang nangyari, parang di niya ko pinalayas dahil sa pagbubuyo ng ibang kasambahay namin... pero okay lang, inabotan niya ko ng dalawang libo... pampalubag loob... di ko na inintindi ang pride o hiya... kailangan ko ng pera...

Ang gulo ng kwarto... ang mga padala ni mama na Ritz (biscuit na katulad na katulad ng Fita, fitang-fita siya talaga), 2 malalaking kahon, may isa na nasa kama... yung isa andun nakapatong sa may damitan... ultimo yung trolly mismo ng kapatid ko, ang gulo-gulo... di nakatupi ang damit at kailangan ko pa ayosin lahat... magaalas-4 na nung natapos ako, kinailangan ko magtaxi hangang Cubao, sa bus station...








+

Okay naman...

Nakakuha ako ng ARV for 3 months at cotrimoxazole na sangkatutak... yung cotri, antibiotics, kailangan tuloy-tuloy lang, kasi nga susiptable ako sa infection... 22 ang CD4 count ko... so unless umabot ng mahigit 500 ang CD4 count ko ulit sa tulong ARV, tuloy ang paginom ng antibiotics...

Sinabi ko kay Doc about yung ngang pain ang needles ng paa ko... ang sakit din pagnilalakad... yun lang ang medyo naging problema ko sa trip na ito eh... yung paa ko... baka nga daw side effect, niresitahan niya ako ng Vit B12...






+

May mga nauna na sa akin...

Habang hintay ng turn ko... kinausap ako ni Let, isang NGO, about my PhilHealth... kung anong status nito... di siya nahuhulugan kasi unemployed ako... at kahit nung nakaleave lang ang, no work, no pay kami, so since May yata di na siya nahulogan...

Kailangan ituloy ko daw yun... ipachange status to as individual from employed... then maghulog daw ako... tig-100 lang naman monthly... kailangan yun... 3000 ang magpa-CD4 count... para macover, kailangan ituloy ko yung PhilHealth ko... Kailangan wag ko daw pabayaan ang Philhealth ko...

CD4 count ko November-December yata... di ko sure...







+

5 oras ang byahe sa bus papunta Manila...

Okay naman, nilamig... gininaw... pero okay naman... naging byahe ko papunta... bumababa ako ng Makati, dun ako sumakay papuntang Alabang...

Gutom na gutom ako... bago ako sumakay ng bus sa Dagupan, gutom na ko, eh madaling araw, so wala din makainan... so stop over naman sa Siesta wala akong matripan kainin... pero yun, nung nakita ko yung Jollibee dun sa malapit sa sakayan ng multicab... kumain na ko... parang gusto ko breakfast meal nila, pero I opted for spaghetti meal instead na may kasamang coke na drinks... akala ko di ko mauubos o masusuka ako... o sasakit tyan ko... but everything was okay... nakarating ako ng RITM OPD Annex ng maluwalhati at 8:30 na...










+

1000 lang pera ko...

350 ang pamasahe sa bus papunta sa Manila... wala na akong ARV nainom... at kung tatagal pa, baka madevelop ng resistance ang HIV... so back and fort, 700... 300 na lang matitira... pagkain't pamasahe ko pa... kapus na kapus ang isang libo... 10 na ng gabi...

Nagpasya akong sumipot ng alas-3 ng madaling araw. Binilin ko sa kapatid ko na first thing in the morning na dalhin ang laptop sa sanglaan, at ang pera, ideposit sa atm ko... ayaw nila akong payagan... pero wala silang magawa... di pwedeng kaming dalawang magkapatid ang pumunta... walang pera... di pwedeng yung kapatid ko lang at baka di ibigay yung gamot sa kanya... kaya ako ang pumunta... may baon na thermometer, 2 jacket, tubig, at isang banig ng paracetamol...








!

Kasalananan ko rin eh...

Dapat kasi, tipong one week before, nagpakuha na ko ng gamot... pero hindi, nung dalawa na lang saka ko siya prinoblema... may maganda at matipid na solusyon sana... sa Bagiuo kukuha ng gamot imbes na sa Manila... pero nung pumunta yung pinsan ko, sinabi sa kanya na wala silang stock ng gamot... imposible sabi ng RITM... di pwede yun... tinatanong nila ano pangalan nung nagsabi na walang stock ng gamot... pero feeling ko, kaya sinabihan yung pinsan ko na walang stock kasi makulit na siya... eh kailangan daw yung pasyente na si ako, andun...

Nung tinawagan ko din si Bobby, yung NGO, yun din sabi niya... medyo stricto na daw sila ngayon, di na pwedeng magpakuha, kailangan nandun yung pasyente, kaya nga daw every three months na daw ang bigayan ng gamot ngayon. Pinapakiusapan ko sana kasi si Bobby kung pwede siya na lang muna kumuha and shipped dito sa Pangasinan... sasagotin ko na shipping... dun nga ako nasermonan na bakit now lang, dapat a week before maubos ang ARV dapat inaayos ko na ito.... di yung ngayon na ubos na at kailangan kailangan na... dinahilan ko ang pera... which is totoo naman... kapus na kapus ako sa pera... yung pagpapapunta ko sa pinsan ko sa Bagiuo, kinailangan ko isangla ang cellphone ko...

Sabi ni Bobby, tignan niya magagawa niya... he is not promising anything but he would do everything to get me the ARV...






Alex...










!

Friday, August 26, 2011

Cleared na ko from TB... nung nagtwo months ako last August 4, pinatest ulit plema ko, or dura, kasi wala ako plema... wala naman ako ubo eh... at yun, malinis na... wala ng TB... continous pa rin ang medication, pero nalower na yung dosage... bumaba na... maintenance lang to avoid relapse... yun ang mas mahirap kasi, yung relapse... usually kasi nagiging resistant ang bacteria sa gamot... eh HIV+ pa ko...

Okay na sana ako... nilalagnat pa rin ako everyday, pero manageable naman siya, tipong paracetamol lang, okay na... di na ko nagsusuka masyado at ang pagkain ko, well... kounti pero madalas, tipong every hour kumakain ako... pero ang biggest concern ko eh itong paa ko... pins and needles ng 24 hours... namamanhid siya, at pagnilakad mo may sakit...

Nakakalakad naman ako pero yung discomfort... alalahanin niyo, mataas pa tolerance ko sa pain... so kung sinabi ko na masakit, masakit talaga siya... di ko maintindihan... kung may naipit na ugat o ano ba... both feet it... kung pilay lang siya... sana isa lang... di parehong paa...



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...