Thursday, October 20, 2011

Away kami ni brother...

Well, as usual, si brat na ako, sinabayan pa ng sumpong ko... ayun, may I speech si brother ng "pagnakapera ako, uwi na talaga ako sa probinsya..." 

Hmp... binigyan ko nga siya ng 2500... bahala siya... umuwi siya dun kung gusto niya... iwan niya ko...

Ewan ko kung tototohanin niya but ganun naman kami magkapatid... magaaway, magkakasagotan, we would argue... but after, as if nothing happened... oras nga lang eh... bati na ulit kami...

Alam naman ng boung pamilya yun, na ako si maiksi ang pasensya at mainitin ang ulo... pero alam din naman nila na madaling lumipas ang init ng ulo ko... and my brother, mapasensya talaga siya... that, I think why nagwowork yung relationship namin dalawang magkapatid...

Anyway-highway... since, my brother is with me, siya palagi yung bumibili sa friendly sari-sari store... and so di na ko madalas makita dun... eh this morning, ako yung bumili, and I was told na tumaba na ko... hopefully...

I do weigh in every 22nd, pagkaubos ko ng set of ARV...last month I was 110 lb... and the month before that 100 lb... sana nga, I have gained another 10 lb... 





No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...