Tuesday, December 13, 2011

I just remembered...

I have my medical files from when I got confined at RITM the first time... and, indeed, when I checked the files... I have the exact date of my confirmation and the CD4 count... 

The HIV test was requested May 20, 2011, the results were released May 27, I assumed from San Lazaro kasi that was yung I rushed myself to RITM... dumeretso ako sa OPD Annex... eh di pa pala nila ako pasyente... kasi wala pang confirmation... nung hinanap nung doctor na magaadmit sa akin yung confirmation... wala nga, eh si Miss Anna pa nun... pinuntahan actually niya sa lab, pero wala pa daw... and yun nga sabi niya, "di ba kung pinadala sa San Lazaro, confirm na..." ng nahihiya... eh kung walang confirmation, eh di hindi nila ako pasyente...


But I was admitted then because yung complain ko na everyday fever... and when I was there 39.8 yung temperature ko... so kahit na wala akong kasama nun, inadmit nila ko kasi alangan namang pauwiin nila ako... so yun... so nung first night ko, I was alone sa room, iyak ako ng iyak... kasi yung hospital food was bangus na niluto sa suka... so di ko makain... and then I was still burning and may pinapabiling gamot... eh since wala akong kasama, walang bibili... so wawang wawa ako nun... but that was history...


June 1 lumabas ang result ng CD4 count ko... and then so dun sa tanong kung ilan CD4 ko, it was 22 last June 1... and so tama ako... ang next CD4 count ko dapat December 1... pero yun nga the  last time I was in RITM, sabi sa January pa daw me dapat CD4 ko... so di ko alam...








Anyway, this morning I submitted the first sputum sa polyclinic... and they extract na ng blood  for FBS and CBC with platelet count... yung result ng FBS and CBC pwede ko na makuha agad... but the results ng sputum... after the submission ng sputum... sabi niya Saturday, pero kasi mali lang yata yung araw niya, feeling niya Wednesday na, eh Tuesday pa lang... pero yun sabi ko kung pwede Friday sana kasi I will bring it pa to RITM, sabay pagpapacute... sabi niya sige... o di ba...!


The FBS kasi they are suspecting, although medyo bata pa daw ako,  na yung neuropathy ko eh baka dahil mataas yung sugar ko... that I am diabetic... kasi nasa dugo namin and that complication from the disease actually killed 2 na in the family... 


The CBC with platelet count kasi the doctor wanted na palitan yung ARV cocktail ko... kasi nga daw yung Stavudine malakas magpapayat and the reason before kaya binigay sa akin kasi mababa daw yung hemoglobin ko... I was anemic... so kaya yun, nagorder ng CBC...


I actually gusto na mapalitan, kasi na stuck na ko sa 110 lbs... eh maganda sana atleast 120lbs ako... but medyo hesitant ako kasi baka mahirapan ulit ako sa pagaadjust... so yun din, na I am considering na pagpinalitan yung ARV ko, I would be heading home sa province and be with my aunt and cousins... tipong tago muna ko... 


So, yun CD4 count... parang kailangan ko na kasi baka mapalitan akong umuwi... lalo na kung baka magkarashes ako... 


So, donate box below... wag na ask... kasi dami email... dm sa twitter...  not that I don't appreciate it pero kasi yun... sana kung tutulong, tumulong na lang...




2 comments:

  1. dude the least you could do is extend your heartfelt thanks to those people trying to help you. Yun na lang ang magagawa mo para sa kanila na magreply sa emails nila. From the tone of your email parang nasa kanila pa ung burden na, from how you say it "kung tutulong, tumulong na lang" what if people doesnt really cre kung ano man ang nangyayari sayo ngayon. There are a lot if ways to be thanksful for, eap those who are helping you. Think about it when they are not around, what will happen to you...

    ReplyDelete
  2. sorry, kung you find it off yung last line ko... but i do reply to this messages and express my appreciation naman... the thing kasi this messages are inquiry lang... which if they read the blog, andun yung sagot...

    may nagask pa nga sa akin, do you want my help... di ba?

    unwittingly siguro, this people rub it to my face, tipong, "you need my help, let me hear you beg for it..."

    and di ba, tama naman, kung tutulong ka, tumulong ka na lang, wag na yung madami ka pang sinasabi...?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...