Saturday, December 24, 2011

i wake up mga mag7 na...

computer na ko nyan, habang naggagatas... hintay hangang mag 8 to take my ARV... but ito nga, nadagdagan ng TB meds... dati I stay awake hangang after maglunch... but since nung Wednesday, when I started taking Zido and the TB meds, I start to feel weak at yun nakakatulog ako...

May brother woke me up yesterday, mag11... Papa sent us money for Christmas... saya-saya niya, excited... shopping na daw kami... syempre, I felt obligated na to join his spirit... so tumayo ako, nagayos to go out... 

Naglunch muna kami before we went to get the money... sarap pa nga, nilaga yung ulam ko... mahilig kasi talaga ako sa masabaw na food eh... kaya ayun... napadami yata yung kain ko, or at least, that was what I thought kasi after lunch and while walking papunta sa LBC to get the money... bigla akong nasuka... nasa kalye kami, at mabuti na lang may trash can... ang dami ko sinuka... it would have been a mess let say nasa mall na kami... and then feeling ko nanghihina ako... so yun, after getting the money, ending namin, umuwi na lang... medyo, disappointed si brother, pero sabi ko mayang gabi na lang, tiange kami sa Marikina...

nakatulog ako, pagising ko ng 3, gugutom ako... nagpabili ako mcdonalds... spaghetti at fries then coke... naubos ko naman, not the fries kasi soggy na siya... but naubos ko naman... sinuka ko ulit lahat... then started to feel so weak again... nahiga ako, nakatulog... 

I woke up quarter to 6 na ng gabi... nagpromise ako na pupunta kami sa tiange para mamili... so yun pinaghanda ko si brother, excited ulit... 

Sabi ko wag na tiange, sa sta lucia na lang kami... kasi isang tricycle lang sta lucia sa amin eh... umokay naman siya... ang daming tao sa mall... grabe... nakakahilo... nakakainis... tapos gugutom pa ko... ayoko naman kumain kasi baka magkalat ako... isuka ko lang ulit... 

Pero nagutom si brother... sabi ko siya na lang... pero sabi niya di pwede yun... alangan naman na di na daw ako kumain... so yun... napilitan... then habang kain, nagalarm phone ko, ARV, so nagtake ako, then tinuloy ko kain... wala ako gana, pinilit ko lang, nakahalf cup of rice ako when I felt na umaakyat yung kinain ko ang have to push it down with water... successful naman... after dinner, umikot pa kami sandali, kahit nagaaya ng umwi si brother, kita niya kasi na hirap na ko sa paglalakad at naghihina na ko.... eh gusto ko may bago shirt si brother for christmas... at ang nabibili pa lang namin shades.... letse...

Walang magkasyang shirt sa kanya, ayaw niya body fit... xxxl si brother... ang nabili namin, jacket... ayaw pa niya kasi medyo fitted but I think tamang tama yung sukat sa kanya... so yun... 

Uwi kami... tricycle ulit... di pa ko nakakapasok ng gate ng bahay... bumulwak lahat ng kinain ko ng dinner... at di ko alam kung kasama sa sinuka ko yung ARV... basta umakyat na lang ako at binagsak katawan ko sa kama... humingi na lang ako ng tubig... dami ko nainom... feeling ko kasi uhaw na uhaw ako... nagising ako ng bandang ala1... sinuka ko nanaman lahat nung tubig na ininom ko...

and that I was worried na... ganito kasi ako bago ako nadiagnose... before arv and TB meds... kaya nga ako nagpaconfine before kasi lahat nga ng kinain ko, sinuka ko... it was not about the fever, it was me not able to nourish my body... 

Ayoko na maconfine ulit... wala kami pera!!!



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...