At yun naman yung plan, me and my brother will go home... excited na nga si brother kasi mas gusto niya talaga sa probinsya kaysa dito Manila... pati mga tita ko at pinsan, excited na I would be going home... di kaya ako umuuwi ng Christmas at New Year... pero ito nga... I decided otherwise and my brother think it is wise na magstay nga kami dito Manila... kasi nga yung palit ng stavu to zido... zido na ang side effect eh anemia na in the first place I am already at alam nung doctor yun, and the reason kasi daw mahal yung teno! shit!!! Umiinit ulo ko pag naalala ko...
Wala ako prophylaxis, nasabi ko kay Tita Ellen...pero baka kasi sa init ng ulo niya kasi di nga binalik from Dots charts ko, at ang gulo nga nagkalimutan at di ako niresetahan ng cotri... so ngayon wala me inom...
Bumalik pa ko sa ARG after I was done with everything... nanghingi ako ng test order for CBC just encase nga na manghina ako at mamutla... and for CD4 count, gusto ko kasi may nakikita ako as parang goal... I thought may date, pero Manang Mameng asked me kailan ko pa daw balak, ako na lang lagay date... so di naman siya required...? Or, pressing need...? Tama... so kahit hintay ko na lang na magkabisa na lang ulit Philhealth ko para libre na...? Tama ba intindi ko...?
Kaya pansin niyo, di ako nagprepress ng donation lately, well aside from na may nangaway kasi sa akin... parang di nga importante yung CD4... pero feel free to donate pa rin sana...
Medyo worried ako dun sa TB... kasi nga ang concern, relapse kasi siya... baka multidrug resistant na siya... and with that medyo madadalas ako sa RITM... magpapatusok... injection na daw eh... hehehehehehehehehe...
No comments:
Post a Comment