Saturday, September 3, 2011

Sana magkaroon ng soap opera na walang bida, lahat contrabida...

tipong patarayan, pahalangan ng bituka, walang inaapi, at walang nangaapi, gantihan lang... sukatan ng yaman, sukatan ng kapangyarihan... tipong magpapatalbugan pa ng damit, reminiscent of Amor Powers and Claudia Buenavista... basta, tipong lahat sila masama, lahat sila swapang, lahat sila di patatalo...

Wala lang, idea lang...



May busines na ko... maliit lang, sobrang liit, feeling ko nga palugi eh... hehehehehehehehehe... naggrocery kami, bumili ako lahat ng regular na binibili, pinapabili sa sari-sari store sa labas tulad ng 3 in 1 coffee, litro pack na Nestea o anong juice, diaper ng bata, Milo at kung ano-ano pa... so instead na lumabas pa sila ng bahay o mangutos, sa akin na lang...

Sobrang liit... ultimo yung market ko... 800 plus lang puhonan ko, at kung tama kwenta ko, tutubo lang ako ng hundred plus... hehehehehehehehe...



No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...